Sunday, March 6, 2011

gabi gabing inuman!

araw araw na tawanan! 


at walang humpay na barahan


ilan lamang yan sa mga namimiss ko ngayun! totoo, namimiss ko ang mga true friends kong tunay, minsan nakakamiss din pala ang mga walang kwentang usapan ,, mga walang sense na pagtatalunan at paglolokohan at dayaan sa ikot ng tagay..

hindi naman kami nawala at batay sa mga explanasyon ko sa itaas, kami ay ilan lamang sa mga makakalokohang tao, at kaya nga nawala kami ay dahil niloloko namin ang aming mga sarili, STUDIOUS ika, pero joke lang din naman.,

ngayun, papalapit nanaman ang summer vacation! papalapit nanaman kaming kainin ng aming sistema! papalapit nanaman ang araw na imbis na ikaw ang maghanap ng inuman ay ikaw ang pilit hahanapin ng inuman, HINDI HO KAMI ADDICT, sadyang mga biktima lang ng seryosong mundo ng pagaaral at patuloy na nangangarap na dadating din ang panahon na magboboracay kami at hindi na iintindihin ang ambagan!

MISS YOU MGA TRUE FRIENDS KONG TUNAY!

Sunday, October 31, 2010

blog ng walang magawa ngayung SEMBREAK

?????
pakiramdam ko tuloy pala aral na ko,, pero joke lang yon!

bakit nga ba hindi nakokontento ang isang tao, di maging masaya kung anung meron sila at kung ano ang nasa kanila, bakit lagi tayong naghahanap ng kung anong wala tayo at laging naghahangad ng di naman saten, baliktad nga ba ang utak ng tao, o sadyang binibigyan lang naten ng problema ang sarili naten dahil ang totoo tinatamad lang tayo naghahanap ng konting excitement at pinapa-O.A lang para masabing may pino-problema din tayu..

bakit hindi nalang naten pahalagahan ang kung ano ang meron tayu, at sulitin ang bawat oras na gugugulin mu sa kanila sabi nga nila ang lahat ng bagay ay nawawala,natatapos at di permanente in short sa isang iglap lahat ng bagay pedeng magbago.

tama naman di ba? sinulat ko to hindi dahil nageemoemohan ako kundi dahil ginugulo lang ako ng isipan ko kung bakit pagsembreaak gusto ko pumasok, pag naman may pasok gusto ko wala!

tuwing gabi nalang iniisip ko kung ano ang gagawin ko kinabukasan, minsan ayaw ko matulog (pangit naman kung ayaw ko gumising di ba?) dahil alam kong wala naman naghihintay sakin na gagawin kinabukasan, haaaaai napaka boring nga naman ang sembreak..

walang pera..

walang gimik..

walang pinagkakaabalahan..

ilan lamang yan sa namimiss ko ngayung sembreyk, ngayun ko nga lamang naisip na nakakamiss din pala ang mga..

exams..

paperworks..

quizzes..

toxic na c.I's..

at sandamakmak na handouts..

 dahil jan napagtanto ko na napakahirap din pala at nakakamiss ang mga bagay na kinaiinisan mo lalo na't pagnakasanayan mo nah!pakiramdam ko tuloy ngayun ganado ako magaral pag pumasok ako, kahit alam kong kaalingasngasan lang naman ang nasa isip ko kaya gusto ko pumasok, isa lang naman ang pinanghahawakan ko.. 
"kahit na puro ako pagpapasaya, di ko naman pinababayaan pagaaral ko"
sembreak.. sembreak.. sembreak..
ako wag ako ha!


Kelan ka ba matatapos, sadyang napakatagal nga naman ng oras kapaghinintay mo, di gawang biro ang lumbay na nararamdaman ko sa araw araw na wala akong ginawa kundi kumain at matulog, alam ko naman sa sarili ko na tamad ako kaya nga nagtataka ako ngayon at sa pagkakataong ito ayoko ng walang ginagawa.

Pwedeng ang iba senyo ay ganito rin ang nararamdaman, ang iba naman hindi. at sa inyo na tulad kong HINDI MAKUNTENTO at paibaiba ang isip, marahil hindi lang naten pa alam kung ano ang tunay na nagpapasaya satin. at sa inyo namang hinde "Wag nio kaming linlangin! sadyang mas tamad kayu at ayaw niyo pumasok!"




BLOG NG ISANG FAN (hehe)

"Practice makes perfect"

Lahat naman ng bagay napagaaralan, di man mabilis pero dadating araw na matututuhan mu din. nanjan ang may makapupuna at panghihinaan ka ng loob pero meron din namang matutuwa at bibigyan ka ng dahilan para ipagpatuloy ang iyong nasimulan.

Di naman maiiwasan na babagsak ka at mawawalan ka ng dahilan para magpatuloy, pero dapat maisip mu din na pagsubok lang to, ako din ang talo kung titigil ako, at walang mawawala kung susubukan mong muling bumangon at umangat sa paraang gusto mo. Yan ang dapat pamantayan sa buhay!

ang totoo nageemoemohan lang ako, alam kong ala akong talento sa pagsusulat, naimpluwensyahan lang ako nang paghanga kay CHERIE MANALO., natuwa ako sa mga blogs niya, nagsimula din siya sa wala , nawalan din sya ng ganang magsulat dahil sa hindi siya naaappreciate,pero ngayun di na mapigilan ang  kanyang pagsikat,YABANG DEN?! hehe

eto lang masasabi ko sayo mocha "ginusto mo yan ee! ipagpatuloy mo, naniniwala kami sa talento mo, may kakapuntahan ka"

ngayon nagsusulat ako dahil ginusto ko, dahil trip ko lang at dahil dito ako nalilibang, kahit anung mangyari, kahit alam kong walang kwenta ang mga sinusulat ko, kahit di niyo maappreciate, hindi ako titigil, dahil nagsusulat ako para  sakin at sakin lamang,

"Practice makes perfect, SO I'LL KEEP ON PRACTICING"

[R.I.P] Rest in peace?or in pain?

Sadyang napakaikli nga lang ng buhay ng tao para sayangin sa kung anu-anung bagay, nakakalungkot isipin na may mga taong hindi ito pinapahalagahan at may iba pang imbis na magpasalamat nalang at gumising pa sila ,sila pa ay nagpapakamatay ng dahil lamang sa problema na dapat sana ay kanilang nireresolba.

Hindi nga patas ang buhay, kung sinong naghahangad nito sila pa ang pinagkakaitan, kung sino pa ang higit na nangangailangan sila pa ang pinagdadamutan, siguro nga ito'y may dahilan pero magpasahanggang ngayon di ko parin ito maintindihan.

Bukas ay pista nanaman ng mga patay. kaya ngayon pupunta kami sa puntod ng lolo at lola ko para maglinis at magpintura, habang kami ay patungo sa libingan ng lolo at lola ko, natuwa ako at nakita ko na magpasa hanggang  ngayon ay buhay padin ang kultura ng pinoy at buhay paden ang ating kaugalian na pagpapahalaga sa ating mga yumaong mahal sa buhay,madami pading tao sa sementeryo na naglilinis at pinaghahandaan ang kanilang pagdalaw para bukas, kahit alam ko na ang iba ay ginagawa lamang ito para maghanap buhay at hindi dahil bukal ito sa kanilang kalooban.

Bukas ibat ibang klase nanaman ng tao ang makikita ko, merong tunay na nagluluksa, meron masasaya at sa pagkakataong ito ang muli nilang mipapakikita sa mga yumao nilang mahal sa buhay na mahalaga padin sila at ang iba naman ay maghahanap lamang ng chickos at chickas at poporma lamang kaya nagabalang pumunta.

Habang ako'y naglalakad-lakad napansin ko na pasikip na ng pasikip ang dinadaanan minsan nga wala na dahil sa patuloy na pagdami ng mga namamatay. merong mga puntod na kitang kita mong luma na at meron din namang bago lang at kalalagay, napagtanto ko na habang pabago ng pabago ang mga puntod ee pabata naman ng pabata ang mga namamatay, siguro nga dahil sa ating pagkain sa panahon ngayon at pede rin namang sa kahirapan ng buhay.

Meron kang makikitang mga bata pa ay binawian na ng buhay pero meron din naman sa katandaan na at kinailangan na talagang magpahinga kaya sila humimlay, nakakalungkot lang isipin na hindi manlang nakita ng mga batang ito kung gano kaganda ang mundo at nabigyan ng pagkakataong tuparin ang kanilang mga pangarap sa piling ng kanilang mga pamilya.

Haaaa'i buhay nga naman parang life! buti sana kung may lovelife, kung ako ang tatanungin niyo HINDI AKO TAKOT MAMATAY! takot lang ako kung sa anong paraan ako babawian ng buhay, siguro nga sa panahon ngayon masaya pa ako na ako padin ang dumadalaw kahit na alam ko na balang araw ee dadating din ang panahon na ako naman ang dadalawin habang payapang nakahimlay kasama ng ibang binawian narin ng buhay.