Sunday, October 31, 2010

[R.I.P] Rest in peace?or in pain?

Sadyang napakaikli nga lang ng buhay ng tao para sayangin sa kung anu-anung bagay, nakakalungkot isipin na may mga taong hindi ito pinapahalagahan at may iba pang imbis na magpasalamat nalang at gumising pa sila ,sila pa ay nagpapakamatay ng dahil lamang sa problema na dapat sana ay kanilang nireresolba.

Hindi nga patas ang buhay, kung sinong naghahangad nito sila pa ang pinagkakaitan, kung sino pa ang higit na nangangailangan sila pa ang pinagdadamutan, siguro nga ito'y may dahilan pero magpasahanggang ngayon di ko parin ito maintindihan.

Bukas ay pista nanaman ng mga patay. kaya ngayon pupunta kami sa puntod ng lolo at lola ko para maglinis at magpintura, habang kami ay patungo sa libingan ng lolo at lola ko, natuwa ako at nakita ko na magpasa hanggang  ngayon ay buhay padin ang kultura ng pinoy at buhay paden ang ating kaugalian na pagpapahalaga sa ating mga yumaong mahal sa buhay,madami pading tao sa sementeryo na naglilinis at pinaghahandaan ang kanilang pagdalaw para bukas, kahit alam ko na ang iba ay ginagawa lamang ito para maghanap buhay at hindi dahil bukal ito sa kanilang kalooban.

Bukas ibat ibang klase nanaman ng tao ang makikita ko, merong tunay na nagluluksa, meron masasaya at sa pagkakataong ito ang muli nilang mipapakikita sa mga yumao nilang mahal sa buhay na mahalaga padin sila at ang iba naman ay maghahanap lamang ng chickos at chickas at poporma lamang kaya nagabalang pumunta.

Habang ako'y naglalakad-lakad napansin ko na pasikip na ng pasikip ang dinadaanan minsan nga wala na dahil sa patuloy na pagdami ng mga namamatay. merong mga puntod na kitang kita mong luma na at meron din namang bago lang at kalalagay, napagtanto ko na habang pabago ng pabago ang mga puntod ee pabata naman ng pabata ang mga namamatay, siguro nga dahil sa ating pagkain sa panahon ngayon at pede rin namang sa kahirapan ng buhay.

Meron kang makikitang mga bata pa ay binawian na ng buhay pero meron din naman sa katandaan na at kinailangan na talagang magpahinga kaya sila humimlay, nakakalungkot lang isipin na hindi manlang nakita ng mga batang ito kung gano kaganda ang mundo at nabigyan ng pagkakataong tuparin ang kanilang mga pangarap sa piling ng kanilang mga pamilya.

Haaaa'i buhay nga naman parang life! buti sana kung may lovelife, kung ako ang tatanungin niyo HINDI AKO TAKOT MAMATAY! takot lang ako kung sa anong paraan ako babawian ng buhay, siguro nga sa panahon ngayon masaya pa ako na ako padin ang dumadalaw kahit na alam ko na balang araw ee dadating din ang panahon na ako naman ang dadalawin habang payapang nakahimlay kasama ng ibang binawian narin ng buhay.

1 comment: